Dumistansiya ang Malacañang sa naging desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na tanggapin ang certificate of candidacy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang substitute candidate ni Martin Dinio sa 2016 presidential elections.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, nasa pagpapasya ng COMELEC ang pagtanggap ng COC.
Una rito ay kinuwestiyon ng isang indibidwal ang COC ni Duterte at hiniling na i-disqualify ito dahil umatras si Dinio bukod pa sa pagka-alkalde ang puwestong tatakbuhan nito.
Umiwas ding magkomento si Coloma sa tanong kung may ilalarga bang campaign strategy sa administration candidate na si Mar Roxas para hindi mangulelat ng husto sa mga survey.
Magugunitang hindi pa man opisyal na tinatanggap ng COMELEC noon ang COC ni Duterte ay nanguna agad ito sa mga survey at naiwanan ng husto ang manok ng administrasyon.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: cnnph