Hindi magbibitaw ng mga pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte nang walang batayan lalo’t may access ito sa lahat ng impormasyon mula sa intelligence community.
Ito ang reaksyon ni incoming Presidential Spokesman Harry Roque sa paglilinaw ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na walang nilulutong destab plot ang Amerika laban sa Pangulo.
Kasunod nito, dumistansya si Roque sa naging pahayag ng Punong Ehekutibo, subalit sinabi nito na mabuti na lamang kung pabulaanan ng Amerika ang nasabing impormasyon.
Magugunitang ibinunyag ng Pangulo na balak umano siyang ipapatay ng Central Intelligence Agency o CIA bilang bahagi ng mga hakbang upang siya’y patalsikin sa puwesto bilang Pangulo ng Pilipinas.