Halos tatlong buwan nang hindi nagsusumite ang Malakanyang sa senado ng financial report ukol sa paggastos sa pondo na nakapaloob sa Bayanihan 2 law.
Ito ay ayon kay Senator Risa Hontiveros, huling nagpadala ng financial report ang palasyo ay noong Enero ng naturang taon.
Dagdag ni Hontiveros, ang ganito aniyang gawain ay iresponsable at iligal kung hindi isasapubliko lalo na at nahaharap ang bansa sa panahon ng krisis.
Ipinabatid pa ni Hontiveros na kailangan makita ng mga pilipino kung saan napupunta ang bilyun-bilyong pisong inilaan para sa COVID-19 pandemic.
Aniya, paano mapaglalaanan ng maayos ang mga gamot,ayuda at pasilidad at iba pang programa gayong hindi alam kung magkano at mayroon pa bang natira sa mga ito.
Dahil dito, nakasaad sa Senate resolution no.710 na magsagawa ang Commision On Audit ng special audit para sa paggastos ng mahigit 500 bilyon sa ilalim ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2.—sa panulat ni Rashid Locsin