Handa na ang pamahalaan para sa pagbabalik eskuwela ng may 23 milyong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ito ang pagtitiyak ng Malacañang kasabay ng ginagawang paglilibot ng mga opisyal ng Department of Education o DepEd sa mga paaralan lalo na sa mga nakatayo sa West Valley Fault.
Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa mga concerned agencies tulad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC para tiyaking ligtas ang mga paaralan para sa mga mag-aaral at gurong gagamit nito.
Partikular ani Coloma na bibisitahin ngayong araw ang Pedro Diaz High School sa Muntinlupa City na nakatayo sa West Valley Fault para matiyak ang structural integrity nito kasama ang iba pa.
By Jaymark Dagala