Handang igalang ng Malacañang anuman ang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa mga petisyong inihain laban sa anti-terrorism act of 2020.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ngayong nasa korte na ang mga petisyong ito, marapat lamang na ipaubaya na ito sa Kataas-taasang Hukuman at antayin ang paggulong ng proseso.
Sinabi ni Roque na naniniwala siyang iginagalang din ng Korte Suprema ang lahat ng produkto ng mga halal na mga mambabatas.
Ani Roque, general rule naman na ang lahat ng mga batas na naipapasa ng kongreso ay itinuturing na naaayon sa konstitusyon.