Handang bumuo ang Malakaniyang ng isang task force na may kaugnayan sa iligal na droga na pamumunuan ni Vice President Leni Robredo bilang drug czar sa loob ng 6 na buwan.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, lahat ng operasyon na may kinalaman sa iligal na droga ay dapat ipasailalim o ipasakop sa pangangasiwa ng pangalawang pangulo.
Sa pamamagitan aniya nito ay maipapakita ni Robredo ang kaniyang kakayahan na lutasin ang problema sa iligal na droga matapos nitong sabihing hindi epektibo ang war on drugs ng pamahalaan.
Giit ni Panelo seryoso ang Pangulo sa kaniyang hamon kay Robredo taliwas sa pahayag ng kampo ng bise presidente na nagbibiro lamang ang President.