Handang makipagtulungan ang pamahalaan sa Estado Unidos kaugnay sa Pilipinong doktor na si Russell Salic na isinasangkot sa naudlot na terror plot sa New York City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patuloy na makikipag-ugnay ang Pilipinas sa Estado Unidos para mga kakailanganin nitong impormasyon.
Dagdag ni Abella, magpapatuloy ang preliminary investigation sa kinahaharap na kasong kidnapping at murder ni Salic dito sa bansa habang ipino-proseso ng Department of Justice o DOJ ang extradition na hiniling ng Estados Unidos.
Si Salic ay isang orthopaedic surgeon at dating nagta-trabaho sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City na sinasabi ding may koneksyon sa Maute – ISIS group.
Batay sa impormasyon mula sa Estados Unidos, sinasabing nagpadala si Salic ng mahigit apatnaraang dolyar ($400) para pondohan ang mga pambobomba sa New York.