Hinamon ng Malakanyang si Senadora Risa Hontiveros na maglabas ng ebidensiya sa isiniwalat nitong umano’y tara system sa loob ng National Food Authority (NFA).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi siya kumbinsido sa ibinunyag ni Hontiveros lalo’t kilala aniya itong mahilig lamang magpasikat.
Umaasa aniya ang malakanyang na hindi ito bahagi ng political grandstanding at merong matibay na ebidensiya.
Magugunitang sa kanyang naging privileged speech sa Senado, ibinunyag ni Hontiveros na umano’y P100 hanggang P151 tara sa kada sako ng inaangkat na bigas.
Pinakinabangan aniya ito ni NFA Administrator Jason Aquino na umabot sa P2 bilyon.