Tiniyak ng Malacañang na hindi makakatanggap ng special treatment ang apat na Hong Kong nationals na hinatulan ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo matapos mapatunayang guilty sa paggawa ng shabu sa isang floating laboratory sa Subic.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos ipanawagan ng mga opisyal ng Hong Kong at China na tratuhin ng maayos ang kanilang kababayan na sina Win Fai Lo, Shu Fook Leung, Kam Wah Kwok at Kwok Tung Chan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang magiging pag-iba sa tratong ibibigay sa apat na convicts sa tratong ibinibigay sa mga bilanggo sa piittan.
Dito aniya maipapakita na walang sinasanto ang gobyerno pagdating sa kampanya kontra iligal na droga.
—-