Hindi na ikinagulat ng Malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang hirit ni Senador Antonio Trillanes IV na temporary restraining order (TRO) at preliminary injunction.
Kaugnay ito sa Proclamation No. 572 ng Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa amnesty ni Trillanes.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa una pa lamang ay batid na ng Malakanyang na walang matibay na pundasyon ang hirit ni Trillanes.
Ayon kay Panelo, maaaring idagdag na rin ngayon sa comment ng gobyerno ang hindi pag-aapply ni Trillanes ng amnesty at hindi pag amin sa kaniyang pagsasagawa ng kudeta nuong 2003 at 2007 kahit hindi naman ito nakasaklaw sa proklamasyon.
Kasabay nito, ipinauubaya nas aniya ng Malakanyang sa Makati RTC ang pagpapasya sa kapalaran ng senador.