Hindi makikialam ang Malakanyang sa kasong rape na isinampa laban sa kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Evangelist Apollo Quiboloy.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi mang hihimasok ang gobyerno sa mga pribadong usapin.
Aniya, mananaig ang batas sa ating bansa kahit sino pa ang sangkot dito.
Matatandaang sinampahan ng kaso si Quiboloy dahil sa pang gagahasa umano niya sa isang 17 taong gulang na babae nuong 2014.