Kapwa nilinaw ng Malakaniyang at ng AFP o Armed Forces of the Philippines na hindi gagamitin sa mga NPA o New People’s Army ang mga bibilhing helicopter mula sa bansang Canada.
Ito ang kapwa inihayag nila Presidential Spokesman Harry Roque at AFP Deputy Chief of Staff for Plans Maj/Gen. Restituto Padilla makaraang ipag-utos ng Canadian Government na repasuhin ang naturang kontrata.
Ayon kina Roque at Padilla, malinaw namang para sa humanitarian at disaster response operations gayundin sa paghahatid ng mga sugatan at nasawing sundalo sa bakbakan gagamitin ang mga naturang chopper.
Pero iginiit ni Roque, na hindi naman aniya magiging problema sa panig ng Pilipinas kung hindi isasara ng Canada ang pintuan nito para sa nasabing kontrata dahil may ibang bansa pa naman aniya na maaaring mapagbilhan nito.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio