Humihingi ang Malakanyang ng impormasyon kay Senador Richard Gordon kaugnay ng posibilidad na sangkot ang ilang mga Chinese nationals sa money laundering activities sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat ibahagi ni Gordon sa pamahalaan ang mga nakuha nitong intelligence report hinggil sa usapin para maimbestigahan.
Dagdag ni Panelo, posibleng ipag-utos din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa mga illegal na aktibidad ng mga Chinese national sa bansa, bagama’t wala pa itong direktiba sa ngayon.
Magugunitang isiniwalat ni Gordon na ilang mga Chinese nationals ang nagpasok ng umaabot sa $188-M sa Pilipinas sa pagitan ng Disyembre noong nakaraang taon hanggang nitong Pebrero.
Sinabi ni Gordon malaki ang posibilidad na ginamit ang nabanggit na malaking halaga ng pera para sa ilang mga illegal na aktibidad kabilang na ang pagpopondo sa mga kalaban ng estado.