Hinimok ng Malakanyang ang lahat ng Filipino na makiisa sa pagtitiyak sa karangalan ng bansa gayundin ang pagsasabuhay sa mga iniwang aral at pamana ni Gat Jose Rizal.
Ito ang naging sentro ng mensahe ng Malakanyang sa paggunita ng ika isang daan at dalawamput dalawang anibersaryo ng kamatayaan at kabayanihan ni Rizal ngayong araw.
Ayon sa Malakanyang, ang naging buhay at kamatayan ni rizal ay malaking patunay ng dakila at matinding pagmamahal ng isang mamamayan sa kanyang sinilangang bayan.
Dagdag ng Palasyo, ngayong nahaharap ang pilipinas sa mga hamon at kritikal na panahon, kinakailangan ang mga Filipinong may katulad na katapangan at prinsipyo ni Rizal na walang pag-iimbot para patuloy na maipaglaban ang kalayaan ng bansa.
Binigyang diin pa ng Malakanyang, dapat tularan ng bawat Filipino ang ipinakitang kagitingan ni Rizal para makamit ang tunay na pagbabago at kaunlaran.