Humihingi ng pang-unawa sa publiko ang Malakaniyang sa hindi pa rin pagbibigay ng ‘go signal para mabuksang muli ang lahat ng uri ng public transportation kahit nasa general community quarantine (GCQ) na ang Metro Manila dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na masisira lamang ang layunin ng ilang buwang quarantine na ipinatupad ng gobyerno bagamat naiintindihan anila ng Palasyo ang hinaing ng commuters na hirap makapasok sa kani kanilang trabaho dahil sa kawalan ng masasakyan.
Kayat pakiusap nila aniya sa mga employer sa pribadong sektor na magbigay ng shuttle service sa kanilang manggagawa.
Ayon pa kay Roque hindi dapat maging kampante ang gobyerno hanggang walang bakuna kontra sa nasabing virus at araw araw naman sila aniyang nagsasagawa ng assement para matulungan ang lahat.