Dapat may nakahandang back up plan sa sandaling hindi na gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask at gawin na lamang itong boluntaryo.
Ito ang iginiit ng Press Secretary Atty. Trixie Cruz- Angeles kasunod ng naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maging optional na lamang ang pagsusuot ng face mask.
Dagdag pa nito na hindi basta-basta na magbago ng protocols ng walang nakahandang plan b.
Aniya, kasama sa naturang back up plan ang matiyak na nakapagpabakuna na ng booster shot ang publiko.
Samantala, binabalanse na aniya ng pangulo ang inirekomendang hakbang na may kinalaman sa ekonomiya at public health.