Humingi ng pang-unawa ang Malakanyang sa mga ginagawa nitong hakbang para palakasin ang diplomatic relations ng Pilipinas sa ibang bansa.
Ito ang reaksyon ng palasyo sa resulta ng Pulse Asia Survey na nagpapakitang mababa ang tiwala ng mga Pilipino sa mga bansang Russia at China.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sinisikap ng pamahalaan na palawakin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa international community at bigyan din ng tsansang kilalanin ang pakikipagkaibigan ng Russia at China sa Pilipinas.
Kumpiyansa ang palasyo na dahil sa gumagandang relasyon sa Russia at China, mabibigyan ng pagkakataon ang Pilipinas na umunlad bilang isang nasyon at bilang miyembro ng international community.
Magugunita sa naturang survey, pumalo lamang sa 42 percent ang trust rating ng mga Pinoy sa Russia, habang 37 percent naman sa Tsina.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping