Ibinasura ng Malakanyang ang panawagan ni dating National Youth Commission chairman Ronald Cardema na gumitna na si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu niya laban sa COMELEC o Commission on Elections.
Matatandaang ibinasura ng COMELEC ang nominasyon ni Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nakikialam ang pangulo sa mga isyung hindi concern nito.
Bukod dito, nanindigan si Panelo na kahit pa supporter ng pangulo si Cardema ay papabayaan ito ng administrasyon kung may ginawa itong hindi maganda.
Bago ang pagbasura sa nominasyon ni Cardema, sinabi nitong may emisaryong lumapit sa kanya para humingi ng pabor kapalit ang approval ng kanyang akreditasyon.