Suspendido na simula bukas ng tanghali, Miyerkoles Santo ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.
Ayon ito sa ipinalabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea para makapaghanda na rin ang mga empleyado ng gobyerno sa paggunita sa Semana Santa.
Gayunman, nilinaw ni Medialdea na naka-standby pa rin ang mga kinakailangang puwersa ng gobyerno para magbigay ng ayuda sa mga ganitong pagkakataon.
Kabilang dito ang mga tumutugon sa mga kalamidad at mga pangunahing serbisyo.
Wala ring pasok ang lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa kabilang na ang mga state universities and colleges o SUCs.
JUST IN: Pasok sa mga government offices kabilang na ang mga GOCC o government-owned and controlled corporations, LGUs at lahat ng public school at SUCs sa buong bansa, suspendido bukas, March 28, 2018, simula alas-12:00 ng tanghali, Miyerkoles Santo | via @jopel17 pic.twitter.com/ZP3DQD3iYt
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 27, 2018
(Ulat ni Jopel Pelenio)