Idinipensa ng Malacañang ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na handa itong maging Adolf Hitler kaugnay sa kampanya nito kontra droga.
Ito ay makaraang umalma ang gobyerno ng germany at Jewish community sa naturang pahayag ng pangulo.
Ayon kay presidential spokesman Ernesto Abella, kinikilala ng Pilipinas ang kahalagahan ng naging karanasan ng mga hudyo lalong lalo na ang mapait at kalunus lunos nilang kalagayan nuong holocaust period.
Nilinaw ni Abella na hindi layon ng pangulo na maliitin ang pagkamatay ng milyong milyong hudyo nuong panahon ni Hitler.
Igniit ni Abella na ang label bilang hitler ang nais lamang bigyang diin ng pangulo lalo’t ito ang bansang ngayon ng mga kritiko sa punong ehekutibo dahil sa madugo nitong kampanya kontra ilegal na droga.
By: Ralph Obina