Itinanggi ng Malacañang na lakwatsa ang pakay ng ilang sumabit sa biyahe ng Philippine delegation sa The Hague, Netherlands kung saan dinidinig ng arbitral tribunal ang inihaing kaso ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, mahalaga na may kinatawan ang tatlong sangay ng gobyerno sa hearing ng korte upang maipakita na nagkakaisa ang ating bansa sa isinampang reklamo laban sa China.
Nagsilbing observer sa hearing sina Speaker Feliciano Belmonte, Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr., Supreme Court Associate Justices Antonio Carpio at Francis Jardeleza, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Justice Secretary Leila de Lima,
kasama rin sila Chief Presidential Legal Counsel Benjamin Caguioa, Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas, Sandiganbayan Justice Sarah Fernandez, Undersecretary Emmanuel Bautista at Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra.
By Mariboy Ysibido