Dumipensa ang Malacañang sa pagbawi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa unilateral ceasefire para sa CPP-NDF.
Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, napakahaba ng pagkakataong ibinigay ng Pangulo sa CPP-NDF para magpaliwanag at magdeklara ng sarili nilang ceasefire subalit lumalabas na naisantabi lamang ito.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza
Kasabay nito, tumanggi si Dureza na patulan ang maaanghang na salitang binitiwan ni NDF Founding Chairman Jose Maria Sison laban sa Pangulong Duterte.
Ang tinutukoy ni Dureza ay ang pagtawag ni Sison sa pangulo ng bully, butangero at volatile.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza
By Len Aguirre | Ratsada Balita