Hindi kailanman makikipagtulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC sa mga nangyari umanong patayan sa ilalim ng war on drugs kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, anomang desisyon para i-pursige ang imbestigasyon ay isang malaking pagkakamali at may bahid ng pulitika.
Giit ni Roque, hinding-hindi makikipag-cooperate ang Pangulo hanggang sa matapos ang kaniyang termino, sakaling mabuksan naman aniya ito sa 2022, walang makapagsasabi sa magiging polisiya sa panahon nito at tanging makapagbibigay kasagutan lamang nito ay kung sino man ang magiging susunod na Presidente ng Pilipinas.
Kahapon, hiniling ni ICC Chief Prosecutor Fatou Bensouda ang imbestigasyon sa drug war killing sa Pilipinas.