Nire–respeto ng Malakanyang ang freedom of expression ng bawat isa kaya’t malaya ang sinuman na maghayag ng kanyang saloobin.
Ito ang tanging tugon ng Palasyo sa ginawa ng UK base organization, na inilagay sa isang playing card ang mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte at tinawag na “Joker” at “No.1 Hypocritical Politician”.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, desisyon ng naturang grupo na babuyin at laitin ang Punong Ehekutibo kaya’t dapat itong respestuhin sa ngalan ng malayang pamamahayag.
Bunsod nito, inaantabayanan naman ang mismong tugon dito ni Pangulong Duterte na inaasahang magiging palaban sa kanyang mga ibibigay na pahayag.