Ikinalungkot ng Palasyo ang balitang pumalo na sa higit 3 milyong mga Pilipino ang walang trabaho.
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.8-milyong mga Pilipino ang walang trabaho noong Oktubre.
Pero ito naman ay mas bahagyang bumaba kumpara noong Hulyo.
Ayon kay Presidential Spokesman, Secretary Harry Roque, bagama’t bumaba na ang bilang ng ang naturang bilang, nakalulungkot pa rin ito lalo’t marami sa atin ang walang pinagkakakitaan sa gitna ng pandemya.
Well, marami pa rin po iyan kaya nakakalungkot nga po iyan. Kaya nga po naging advocacy na natin na iyong sa mga lugar na nagbubukas ng turismo. Parang napakadali pong magbigay ng hanapbuhay sa turismo eh sinusuportahan po natin ‘no sa ating mga press briefing. ani Roque
Iginiit ni Roque, na sa ngayon ay kinakailangan na talagang buhayin ang ekonomiya ng bansa para makabalik ang mga Pilipino sa paghahanap buhay, basta siguruhin lamang na magpatupad ng ibayong pag-iingat.
Sabi nga po ni Presidente, kaya naman po nating buksan ang ekonomiya basta pag-ingatan ang ating mga buhay para tayong lahat ay makapaghanapbuhay. ani Roque