Ikinalulungkot ng Malacañang ang pagkakabasura ng nominasyon ni Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano bilang kalihim ng DAR o Department of Agrarian Reform.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kaisa si Mariano sa hangarin ng Duterte administration na paunlarin ang buhay ng ating mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtiyak sa karapatan at seguridad ng kanilang mga lupang tinatamnan.
Sa huli, nagpasalamat si Abella sa dedikasyon ni Mariano upang mapaglingkuran ang sambayanang Pilipino.
By Ralph Obina
SMW: RPE