Nagpahayag ng kalungkutan ang Palasyo sa balita na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong masaya ang kalagayan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa isang briefing na kaya bumaba ang bilang ng mga Pilipinong masaya ay dahil sa negatibong epekto ng pandemya na humagupit sa bansa.
Mababatid na sa inilabas na report ng World Happiness, bumaba sa ika-61 pwesto ang Pilipinas mula sa dating ika-52 na pwesto noong 2020.
Sa huli, inihayag ng Palasyo na kumpyansa itong manunumbalik ang sigla ng bawat Pilipino oras na mabakunahan ang lahat kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).