Positibo ang Malacañang na magiging maganda ang ibubunga ng makasaysayang pagpupulong nila US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiyak na makikinabang hindi lamang ang Asya kung hindi ang buong mundo sa nangyaring pagpupulong ng dalawang pinakamaimpluwensyang pinuno.
Pinatunayan lamang aniya ng naturang hakbang na mahalaga pa rin ang pag-uusap at diplomasya para ganap na matamo ang inaasam na kapayapaan at katatagan sa rehiyon gayundin sa seguridad.
Kaisa aniya ang Pilipinas sa hangaring pagkakaisa ng lahat ng mga bansa tungo sa isang maunlad, payapa at magandang hinaharap para sa susunod na mga henerasyon.
—-