Ikinatuwa ng Malacañang ang ulat na hindi na kabilang ang Pilipinas sa top 5 deadliest countries para sa mga mamamahayag ngayong 2018.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, wala na ang Pilipinas sa annual report ng Reporters Without Borders.
Naniniwala si Andanar na malaki ang tulong ng pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Task Force on Media Security dahil mas natutukan nito ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa.
Ngayong taon ay nasa tatlo ang naitalang media killing at patuloy na tinutukan ng task force ang kanilang kaso.
—-