Ikinukunsidera ng Malakaniyang ang pagpapatupad ng total lockdown kapag marami pa rin ang patuloy na magpapasaway at lalabag sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon ito kay presidential spokesman harry roque bagamat umaapela pa rin sila sa taumbayan na huwag na nating pahabain ang ECQ at sumunod na lamang sa nalalabing dalawang linggo.
Hinimok ni roque ang mga pilipino na mag sakripisyo lahat dahil talaga kapag hindi na flatten aniya ang curve o hindi nabawasan ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa total lockdown talaga ang kinukunsider nilang option.
Matatapos na sa Abril 30 ang pinalawig na ECQ sa buong Luzon.