Inamin ng Malakaniyang na nakaaalarma na ang bilang ng naitatalang karahasan laban sa mga kababaihan at kabataan sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ito ang dahilan kayat naglagay ng hotline number ang DSWD at PNP para tumanggap ng mga sumbong ng mga biktima ng karahasan.
Ayon sa report ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso nasa 4,206 napung kaso na nang pang a abuso laban sa mga kababaihan at kabataan ang naitala sa buong bansa mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) nuong Marso dahil sa COVID-19.
Sa nasabing bilang 2,183 ang naitalang krimen laban sa mga kababaihan habang 2,077 p naman sa mga kabataan.
Nangako ang Palasyo na ipatutupad ng pangulo ang batas para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan.