Umamin ang palasyo ng Malacañang na magiging dagdag pabigat sa pamahalaan ang pagtulong sa ‘boat people’ o ang mga refugee mula sa Myanmar at Bangladesh.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ito ay dahil limitado lang ang puwedeng maitulong ng pamahalaan dahil hindi pa tapos ang rehabilitation projects para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Gayunpaman, tiniyak naman ni Coloma na gagawin ng Pilipinas ang kaya nito, para makatulong sa mga boat people, at nakikipag-ugnayan na din ang pamahalaan sa UN High Commission on Refugees para malaman kung papaanong mas makabuluhang matutulungan ang mga refugee.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)