Ipinag-utos na ng Malakanyang ang agarang pagpapalabas sa mga protective equipments tulad ng mask na naka-imbak sa warehouse ng Bureau of Customs (BOC).
Kasunod ito ng naging pahayag Ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. Na tonelada ng mga Personal Protective Equipment (PPE) na maaaring magamit ng mga medical personnels ang nakatambak lamang BOC warehouse.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nanawagan na sila kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na agad ipalabas mga nabanggit na protective equipments.
Sinabi ni Panelo, kanila nang hinimok si Guerrero na pangasiwaan ang pagsasaayos sa kinakailangang mga dokumento para sa pagpapalabas ng mga ito.
Magugunitang sa tweet ni Locsin, kanyang sinabi na hindi maihatid ng mga supplier ang kinakailangang surgical masks ng Philippine General Hospital dahil natengga aniya ito sa BOC.