Nagpaliwanag ang Malakanyang sa hindi pag apruba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang bahagi ng Republic Act 11213 o Tax Amnesty Act of 2019.
Layon ng batas na isailalim sa amnesty program ang mga tax liability o mga hindi nababayarang buwis bago ang 2017 at bigyan sila ng one time opportunity para maayos ang kanlang mga buwis nang hindi kailangang kasuhan pa ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagama’t kinikilala ng pangulo ang kahalagahan ng batas may ilang bahagi aniya ang enrolled bill na kinokontra ng pangulo na maaaring magamit ng mga nais umiwas sa pagbabayad ng buwis.
Sa kaniyang veto message, sinabi ng pangulo na kailangan pang magpasa ang Kongreso ng batas na magtatanggal sa bank secrecy para sa mga kaso ng pandaraya at mekanismo at matiyak na ang mga idine deklarang assets o networth ng tax payer ay totoo.
Inihayag pa ni Panelo na nangangamba ang pangulo na may ilang gumamit ng bank secrecy law para ma protektahan ang kanilang bank deposits at dayain ang halaga ng buwis na kailangang bayaran.