Ipinauubaya na ng Malacañang sa National Bureau of Investigation ang pasya sa plano nitong makipagtulungan sa Interpol upang pauwiin sa pilipinas ang mga Overseas Filipino na nagkakalat ng fake news.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, buo ang suporta ng Palasyo sa paghabol at pagpapapanagot sa mga indibidwal o grupo na nagpapakalat ng maling impormasyon at maling balita.
Gayunman, mas mainam aniya na hindi na gumawa ng anumang anunsyo o pahayag ang malacañang hinggil dito dahil posibleng makaapekto ito sa isasagawang operasyon ng NBI.
Iginiit pa ni Executive Secretary Bersamin na dapat lamang na mapanagot ang mga nagpapakalat ng maling impromasyon, lalo’t hindi lamang ang Pilipinas ang nakakaranas nito, kundi ang buong mundo.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)