Ipinauubaya na ng Malacañang sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pag-aaral hinggil sa tuluyang pagbabawal ng offshore gaming o online gambling sa bansa.
Kasunod ito ng naging panawagan ng China na gawing iligal ang online gambling sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kanilang hahayaan ang PAGCOR na bumuo ng rekomendasyon hinggil sa usapin.
Sa ngayon, aniya ay nananatiling ligal sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) bagama’t nagpatupad na ng moratorium ang PAGCOR sa pagbibigay ng lisensiya sa mga ito.
Una na ring sinabi ni Panelo na nasa pagpapasiya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung diringgin ang panawagan ng China.