Isinasantabi muna ng Malacañang ang usapin ng charter change at federalismo.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng resulta ng survey ng Pulse Asia na hindi maitutiring na national concern ang pagsusulong sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan.
Ayon kay Roque, mas pinagtutuunan ng pansin ngayon ng pamahalaan ang mga usaping malapit sa bituka ng masa tulad ng inflation.
Gayundin ang mga paraan para mapatatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na sa pagkain.
Gayunman, nilinaw ni Roque na hindi pa rin naman tuluyang isinasantabi ng Malacañang ang pagsusulong sa pederalismo.
Aniya, may tamang panahon para muling pag usapan ang charter change.
—-