Isinisisi ng Malakanyang sa mataas na presyo ng langis ang naitalang record high na 6.7 inflation rate nitong Setyembre.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maituturing na dahilan ng mabilis na paggalaw sa mga presyo ng mga bilihin ang mataas na presyo ng mga produktong pretrolyo sa bansa.
Aniya, kung magkakaroon lamang sana ng sariling source ng langis ang bansa, tiyak na bababa ang halaga nito na makaapekto rin sa inflation.
Gayunman, tiniyak ni Roque na patuloy ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para maibsan ang paglobo ng inflation.
Samantala, itinuturo naman ng Department of Finance (DoF) sa pagtaas ng presyo ng mga produktong pagkain dahil sa Bagyong Ompong ang nakapagambang sa pagpalo ng inflation sa 6.7 percent.
Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, malinaw sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na patuloy ang pagtaas ng food infaltion at malaking dahilan nito ang epekto sa agrikultura ng pananalasa ng Bagyong Ompong.