Teritoryo pa rin ng Pilipinas ang Itbayat sa Batanes.
Binigyang diin ito ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma bilang tugon sa pahayag ng Taiwanese Coast Guard na bahagi ng kanilang exclusive economic zone ang Itbayat.
Ayon pa kay Coloma, malinaw namang sakop ng karagatan ng Pilipinas ang Itbayat dahil bahagi ito nang pina-patrolya ng Philippine Coast Guard.
Handa naman aniyang makipagpaliwanag ng Pilipinas sa Taiwan para patunayang bahagi ng Pilipinas ang Itbayat at maiwasan na rin ang mga hindi pagkakaunawaan.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)