Itinanggi ng Malakanyang na gagawin nang nationwide ang ipinatutupad na lockdown ngayon sa Luzon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, fake news ang kumalat na impormasyon hinggil dito.
Nauna rito, lumabas ang isang proclamation na may lagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan nakasaad na ipatutupad ngayong linggong ito ang nationwide lockdown.
Isasara umano lahat ng establisimiyento, kasama na ang mga palengke at ang pagkain ng mamamayan ay irarasyon kada tatlong araw.
Isa umano ito sa dahilan kayat nagpapalabs ng passes ang mga syudad sa Metro Manila.