Itinanggi ng Malacañang na inamin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapa-ambush kay dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang ibig sabihin ng pangulo ay buhay pa si Loot kahit naambush na ito.
Sinabi ni Panelo na hindi dapat kalimutan na bisayang-bisaya ang pangulo kaya’t kung minsan ay naiiba ang pagkakasabi nito sa tagalog.
Makikita naman anya sa mga nakaraang pagsasalita ng pangulo na ilang beses na rin nyang itinanggi na sangkot sya sa pag-ambush kay Loot.