Itinanggi ng Malacañang na naglabas na ng appointment para sa bagong Commissioner ng Bureau of Immigration (BI).
Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kasunod ng lumabas na dokumento umano ng appointment letter ni Atty. Abraham G. Espejo na dating Dean ng College of Law sa New Era University na pag-aari ng Iglesia ni Cristo bilang bagong BI Commissioner.
Ayon kay Angeles, nag-check na sila sa Presidential Management Staff (PMS) at walang dokumentong inisyu para sa nabanggit na posisyon.
Mababatid na ang PMS ang nag-iisyu ng mga appointment upang punan ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.