Itinanggi ng Malakaniyang na binalewala ng China ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pag-atras ng Chinese ships na nasa West Philippine Sea.
Ito’y matapos mapaulat ang presensya ng 240 Chinese militia vessels sa West Philippines na itinuturing na exclusive economic zone ng bansa sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 201 Chinese ships na ang umalis sa naturang lugar matapos ang pakikipag dayalogo ng pangulo kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ani Roque malaking dahilan sa pag-alis ng naturang mga barko ang naging mensahe ng pangulo at ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China.