Mariing itinanggi ng Malacañang na nagkaroon ng fishing agreement sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Ang pahayag ay ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos isiwalat ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na kaya nananatili sa West Philippine Sea ang mga barko ng China ay dahil sa umano’y verbal deal.
Ayon kay Roque, walang basehan ang nasabing statement ni Carpio at ito aniya’y haka-haka lamang.
Matatandaang sinabi ni Carpio na batay sa batas, ang isang fishing agreement ay maaari lamang umanong pasukin ng Pangulo sa pamamagitan ng isang treaty o tratado.