Itinanggi ng Malacañang na nais nitong ilihis ang kontrobersiyang kinahaharap ng Philippine National Police o PNP kaya binuhay ang isyu sa Special Action Force o SAF44.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Attorney Salvador Panelo na humihingi pa rin ng hustisya ang pamilya ng mga napatay na SAF Commando kaya nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng komisyon na mag-imbestigang muli at tutukoy kung sino ang mga dapat na managot sa Mamasapano incident.
Kahit pa, aniya, naimbestigahan na sa kongreso ang insidente, batid umano ng lahat na may pagkiling ang nakalipas na administrasyon sa ilang kaalyadong naimbestigahan.
Ayon kay Panelo, panahon na para magkaroon ng closure sa isyu at magagawa lamang ito kung matutumbok ang tunay na dapat managot sa madugong oplan exodus.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping