Itinuturing ng palasyo na malaking banta ang paglaya ng nasa 1,700 preso dahil sa Good Conduct and Time Allowance (GCTA) law.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, baliwala kay Pangulong Duterte na maglaan ng pondo para maibalik ang mga ito sa kulungan.
Dagdag pa ni Panelo, dapat may gawing aksyon ang gobyerno para matiyak ang proteksyon ng bawat isa sa gitna ng pagkakalaya ng mahigit 1,000 preso na nakalabas sa kulungan dahil sa GCTA.
With report from Jopel Pelenio.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.