Tumanggi muna ang malakanyang na maglabas ng “policy statement” kaugnay sa ginawang airstrike ng US sa Syria.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque , nais muna ng gobyerno na bigyang prayoridad sa ngayon ang kaligtasan ng nasa mahigit 1,000 Pilipino na naruon.
Sa oras aniya na matiyak nilang nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng Pilipino na nasa Syria ay duon pa lamang sila posibleng maglabas ng policy statement.
Paliwanag pa ni Roque, kailangang balansehin ng Pilipinas ang kasalukuyang sitwasyon ngayon sa pagitan ng US at syria para maiwasan na may iba pang madamay.
Matatandaang nagsagawa ng airstrike ang US-Led Forces sa Syria dahil sa paggamit umano nito ng chemical weapon.