Kampante ang palasyo na hindi uusad ang reklamong impeachment na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, posibleng hindi na makarating sa plenaryo ng Kamara ang reklamo.
Positibo si Panelo na sa pagtukoy pa lang ng kumite na magdedetermina kung may substance o laman ang reklamo ay posibleng hindi na ito makalusot.
Tiyak rin aniyang walang suportang makukuha mula sa publiko ang isinampang impeachment complaint dahil alam naman mismo ng mga nasa likod ng paninira sa Pangulo kung gaano pinagtitiwalaan ng mga Pilipino si Pangulong Duterte.
Kumbinsido si Panelo na may kasunod pang mga propaganda ang mga galit sa punong ehekutibo na marahil ay galit sa anti-corruption, anti-illegal drugs at mga repormang ginagawa ng administrasyon.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping