Mariing itinanggi ng Malakaniyang na tila hinatulan na agad nito si Senadora Leila de Lima na iniuugnay sa mga kaso hinggil sa iligal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa deklaradong guilty si De Lima dahil nagpapatuloy pa rin ang paglilitis laban sa kaniya sa Korte.
Gayunman, sinabi ni Roque na hindi dapat pakasiguro si De Lima dahil maayos aniyang umiiral ang criminal justice system sa bansa kaya’t wala itong dapat na sisihin kung hindi ang kaniyang sarili.
Anim na taong naging Justice Secretary si De Lima at tatlong taon naging Chairperson ng Commission on Human Rights subalit wala itong ginawa ayon kay Roque para ayusin ang sistema ng katarungan sa bansa.
Jaymark Dagala / Jopel Pelenio / RPE