Pinayuhan ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes IV na iwasang makisawsaw sa issue ng nabangkaroteng operasyon ng Hanjin Shipyard.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ang batikos ni Trillanes na hindi malayong may paborang kumpanya ang gobyerno sa oras na mapasakamay nito ang operasyon ng naturang shipping company.
Ayon kay Panelo, dapat pagtuunan na lamang ng pansin ng mga senador ang mga kaso nito sa halip na manghimasok sa isyu ng posibleng pag-take-over sa Hanjin Philippines.
Masyado anyang “advance” mag-isip si Trillanes at nagkaroon na ng konklusyon subalit sa katunayan ay wala namang pumapansin dito.
Una nang nilinaw ng Palasyo na proposal pa lamang at wala pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pag-take over sa kumpanya.
—-